image

PANGULONG TAKSIL SA LUPANG PANGAKO

Dapat managot si Noynoy Aquino sa pagpaslang ng mga sundalong Malaysian sa maraming Pilipino sa Sabah. Imbes na igiit ang makatarungang pag-angkin ng Pilipinas sa nasabing lugar, binigyan ni Noynoy ng go signal ang Malaysia para katayin ang ating mga kababayan sa kanyang pagpapasuko sa mga kababayan natin sa Sabah na dapat ipinagtatanggol niya.

Kahit man lang mamagitan sa gobyernong Malaysia at Sultanato ng Sabah, o kaya dalhin ang nasabing tunggalian sa mga pandaigdigang korte, hindi ginawa ni Aquino. Tinalikuran niya ang mga kapwa Pilipino sa oras ng kanilang pangangailangan para intindihin ang kanyang pangangampanya sa mga kapartido niyang tumatakbo sa Senado.

Habang nananahimik si Noynoy, libo-libong mga Pilipino ang lumilikas mula Sabah papuntang Sulu para takasan ang karahasan ng mga sundalong Malaysian. Mahigit 800,000 na Pilipino ang nakatira sa Sabah para maghanap ng trabaho at sa bawat oras na walang ginagawa si Aquino, mas nalalagay sila banta ng karahasan.

Pero higit sa lahat, dapat managot si Noynoy sa pagtalikod niya sa makatarungang pag-angkin natin sa Sabah.

Advertisements