image

PALPAK ang tribo ni PNoy sa pagbibigay nito ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda at mistulang inutil ang pamahalaan kaya hindi nito nagawang maglatag ng epektibong kaayusan sa mga nasalantang lugar.

Ito ang buod at punto ni COA chairman Grace Tan nang tanungin ito patungkol sa mga donasyon na dumating sa ating bansa para sa mga biktima ng nasabing delubyo.

Kahit hindi man ito aminin ng tribo ni PNoy ay hindi nila nailihim sa taumbayan ang kapalpakan na kanilang ginawa mula nang tumama si Yolanda sa bansa. Kahit kumambyo pa ang COA chairman!

Malinaw ang naging obserbasyon ng COA! Palpak, magulo, walang sistema at kulang sa impormasyon!  Korek na sana pero bumawi ang COA chairman nang ipunto nito na dapat unawain ang gobyerno dahil delubyo talaga ang Yolanda. Unawain? Sige, unawain natin pero siguro doon lamang sa mga unang araw o linggo. Pero dapat ba natin unawain ang tribo ni PNoy kung hanggang ngayon ay palpak at mistulang mga inutil sila sa kanilang trono?

Isa-isahin natin, taumbayan! Sa unang mga araw pa lamang ay palpak na dahil unang nilinis ang paliparan sa Tacloban City – yun pala ay para makaalis daw ang naipit na ka-tribo ni PNoy doon kabilang si Boy Padyak. Palpak na, inutil pa!

Nang lumaon ay nauna pang dumating ang tulong mula sa ibang bansa kaysa sa tulong na mula sa tribo ni PNoy tapos biglang nabalitaan natin na talamak na ang nakawan sa lugar. Palpak na, inutil pa!

Ilang araw ang lumipas ay naging isyu ang ‘you’re a Romualdez and the government is an Aquino’ – may namulitika pa sa hanay ni PNoy tapos ay sinibak yung heneral ng pulis na nagsabing 10,000 ang namatay sa bagyo.  Palpak na, inutil pa!

Ano pa nga ba ang mga sumunod? Anomalya sa multi-milyong piso na bunkhouses at yung pangako na ibabalik ang 100 porsyento na kuryente sa lugar ay sumablay. May kumana pang mandarambong! Palpak na, inutil pa!

Makaraan ang 100 araw, marami pa rin ang humihiyaw ng tulong na hindi naabot ng tribo ni PNoy habang may nagpunta pang grupo sa Malakanyang pero dedma lang ang mga AB Normal. Kana nang kana, salto naman!

Sa pagiging inutil at palpak ng tribo ni PNoy mula noon hanggang ngayon at sa palagay ko ay hanggang sa Hunyo 2016 pang ganyan ang mga yan, dapat ba natin silang unawain o isumpa?

***

“Alam mo Joie tama yung sinabi mo kawawa naman si Supt. Capa at itong dalawang NBI.  Dapat talagang isama si de Lima at Henares sa BIR pinapadami lang ang pera tapos nanakawin lang nga mga buwaya”, mula sa …0831

“Go! Go, Capa!  Sobra na talaga yang de Lima na yan! Si Napoles at Lee protektado ni PNoy”, mula sa…1795

Source: REMATE ANG DIYARYO NG MASA

Advertisements