Mga kababayan, kung atin pong matatandaan, nitong mga nagdaang araw ay naging viral sa social media o malalaking tv network ang video ni Mystica kung papaano tinuligsa, minumura, sinisigawan, kinapopootan at minamaliit si Mayor Rodrigo Duterte.

Ngunit nitong bagong video na inilabas ni mystica na kung hindi ako nagkakamali ay inilabas ito noong petsa 16 ng Abril. Ang video na ito ay nagpapakita ng kanyang tunay at lubos na pagsisisi sa kanyang ginawa laban kay Mayor Rodrigo Duterte.

Siya ay humingi ng tawad sa lahat lalong lalo na kay Mayor Digong. Kung sa bagay, hindi pa huli ang lahat miss Mystica at alam naming kahat na may malambot na puso ang tinaguriang kamay na bakal at ikaw ay kanyang mapapatawad gaya ng pagpapatawad ng Santo Papa sa kanya.

Salamat Mystica at namulat ka na sa katotohanan.

Advertisements