image

Ito po ang tunay na scenario!

Noong 2010 dapat na tatakbo bilang pangulo si Roxas sa ilalim ng LP pero nakita nila na mas malaki ang chance na manalo si Pnoy dahil kamamatay lang ni cory kaya nakipagkasundo sila kay Roxas na si Pnoy muna ang patakbuhin sa pangako na ngayong 2016 nila ii-endorso si roxas. Ito namang si Roxas na nagkandahirap na sa pagpapa-pogi bilang si Mr. Palengke, komo walang prinsipyo at walang sariling paninindigan ay pumayag naman.

Ngayon namang 2016 ang unang nakikitang problema lang ng LP ay si Binay kaya hinalungkat nila ang baho nito. Nang maamoy ni Mercado na hinahalungkat na ng Pnoy admin ang baho nila sa makati ay bigla na itong kumanta ng wala sa tono para sya makalibre sa asunto. Nagtagumpay ang LP dahil medyo humina si Binay.

Pumasok naman sa eksena si Grace Poe. dahil isang opurtunista, ng makita ni Grace Poe na mabangong-mabango sya sa mga bobotante ay nagpahayag ito na tatakbong presidente. ng malaman ng LP na tagilid ang manok nilang si Roxas ay kinausap nila si Grace Poe at binuyo na tumakbo na lang muna bilang bise ni Roxas. dahil lunud na lunod na sa kasikatan at sa mga lumalabas na survey ay hindi pumayag si Poe kaya ng bumagsak ang kanilang usapan at mapilitan ang LP na i-endorso na si Roxas ay nag-diklara na rin si Poe na tatakbo bilang independent. napilitan ang LP na i-endorso si Roxas kahit alam nilang tagilid ang laban nito kay Binay at Poe dahil kung hindi nila gagawin ang pangako nila kay Roxas ay malamang na kumanta din ito tulad ng ginawa ni Mercado kay Binay. Gumawa ng paraan si Roxas para siraan si Poe kaya nahalungkat ang citizenship at residency ni Poe. lingid sa kaalaman ni Roxas, nakipagkasundo na ng palihim si Pnoy at ang LP kay Poe na susuportahan nila at popondohan ang kampanya ni Poe kapalit ng pangako ni poe na kung mananalo sya ay hindi nya hahalungkatin ang baho ng pnoy admin! dahil alam ni Poe na mahihirapan syang mangampanya kung wala syang makinarya at pera kaya pumayag sya sa alok ng LP.

Para hindi makahalata at magtaka si Roxas kung saan nanggagaling ang pondo ni poe ay kinausap ni pnoy si danding na palabasin nito na ang NPC ang sumusuporta kay Poe. Magkaiba lang ng partido si Pnoy at si Danding pero magkakampi talaga sila dahil ang talagang kaaway lang nila ay si Peping Cojuangco.

Pero ang problema nila ngayon ay ng pumasok sa eksena si Mayor Duterte na napakalakas ng impact sa mga matatalinong botante na naghahanap talaga ng tunay na pagbabago kaya sa pamamagitan ng mga surveys at ng media na natatapalan ng kwarta ay pilit nilang pinababagsak ngayon si Mayor Duterte at pilit nilang kinukundisyon ang kaisipan ng mga botante na si Poe talaga ang mananalo. nagtutulong-tulong na ang mga corrupt na politiko at mga ganid na negosyante para mapabagsak si Mayor Duterte. kaya magsama-sama tayong naniniwala sa tunay na pagbabago sa pamumuno ni mayor Duterte na hindi mangibabaw ang kabukyutan ng mga salot na ito sa lipunan. may God bless mayor Duterte,may God bless the Philippines! Ctto

Para sa PAGBABAGO!👊👊👊

Advertisements